Magkapatid na babae, patay sa pamamaril sa Bacolod | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkapatid na babae, patay sa pamamaril sa Bacolod

Nico Delfin,
ABS-CBN News
Published Jul 25, 2020 02:33 AM PHT

Patay ang isang magkapatid na babae matapos sila pagbabarilin umano ng naging karelasyon ng isa sa mga biktima, sa isang engineering and constructions services office sa Barangay Taculing, Bacolod City Biyernes ng hapon.

Naiulat na sinundo lang ng isa sa mga babae ang nakakatandang kapatid sa office sa isang compound sa Gonzaga Street, pero hindi na sila nakalabas ng compound matapos pagbabarilin ng suspek, na empleyado rin ng kompanya.

Hindi pa matukoy ng Police Station 6 ang mga nangyari bago ang pamamaril sa magkapatid, na paalis na sana ng compound.

Kasalukuyan nagpapagamot ang suspek, na ayon sa pulisya, ay sinaksak ang sarili gamit ang isang kutsilyo matapos barilin ang magkapatid.

Naniniwala si Police Cpt. Elmer Bonilla, hepe ng Police Station 6, na away sa relasyon ang motibo sa pamamaril dahil sa relasyon ng nakababatang kapatid at ng suspek.

Isang drayber pa ng kompanya ang itinurong na person of interest ng mga awtoridad pero itinanggi nito ang kinalaman sa krimen.

Giit niya, nagkataon na nasa loob siya ng opisina nang marinig ang mga putok ng baril. Sa kanyang paglabas ng opisina ay bumungad sa kanya ang bangkay ng magkapatid.

Kaya agad umano siyang humingi ng saklolo sa mga pulis na malapit sa compound at naisugod pa sa ospital ang sugatan na suspek.

Read More:
Bacolod City
magkapatid patay
sisters killed in Bacolod
murder
crime
relationship-related murder
Regional news
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT