'Baka dito pa namin makuha 'yung sakit': Mga stranded nakatengga sa Rizal Stadium | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Baka dito pa namin makuha 'yung sakit': Mga stranded nakatengga sa Rizal Stadium

'Baka dito pa namin makuha 'yung sakit': Mga stranded nakatengga sa Rizal Stadium

Kevin Alabaso,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Halong dismaya at pangamba ang nararamdaman ni James Roy Dusaban para sa sitwasyon niya at ng kaniyang kapatid matapos silang mapabilang sa mga stranded na pinatuloy muna sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila nitong Biyernes habang hinihintay ang kanilang biyahe pauwi sa kani-kanilang probinsya.

Ang nais lang umano nila ay makauwi sa Dumangas, Iloilo ngunit ito'y naudlot dahil biglang nakansela ang kanilang biyahe.

"July 24 po talaga 'yung biyahe namin. Pero sinabihan na utos daw ng National Task Force na hindi kami papasukin. Unang-una po, nagpalabas na po si [Iloilo] Gov. [Arthur] Defensor [Jr.] ng [executive order] na nagpapayag sa pagtanggap sa mga LSI (locally stranded individual) at OFW (overseas Filipino worker) sa probinsya. Tinawagan na rin namin ang iba't ibang concerned staff para dito, at sinabing open 'yung Iloilo to accept LSI. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari," ani Dusaban sa ABS-CBN News.

"Kasi po kung pinatuloy na ang biyahe, eh 'di sana hindi na nagkaganito. Negative na 'yung result namin sa swab test namin, baka dito pa namin makuha ['yung sakit], 'wag naman sana."

ADVERTISEMENT

Ayon kay Dusaban, may nag-anunsiyo kahapon sa kanila na pauuwiin lahat ng nasa loob ng stadium at uunahin ang mga taga-Mindanao ngayong araw, Hulyo 25.

Dagdag pa niya, ang lahat ng taga-Region 6 (Western Visayas) ay nakatakdang umuwi sa July 26 pero kailangan pang sumailalim sa rapid tests.

Ang mga kumpirmadong nagsara ng borders para sa mga stranded ay ang mga siyudad ng Iloilo at Bacolod.

"Nanghihinayang, nagtataka, poot ang nadama namin kung bakit nakansela ['yung biyahe] kung open naman 'yung borders ng Region 6. Tapos po, we have undergone swab test with a negative result. Ang problema nito sir kung hindi makayanan ng katawan namin at magpopositibo para sa rapid test na gaganapin dito o 'di kaya'y baka dito pa kami magkakasakit," ani Dusaban.

Ibinahagi ni Dusaban ang kaniyang mga kuhang larawan at video sa sitwasyon sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex kung saan makikitang dikit-dikit at walang inoobserbahang physical distancing ang mga tao sa loob ng naturang stadium.

Ayon kay Dusaban, dumating sila noong hapon ng Hulyo 24 sa stadium ngunit hanggang ngayong Sabado ng umaga ay mayroon pa ring dumarating na mga stranded stadium.

Kuha ni James Roy Dusaban

Kuha ni James Roy Dusaban

Kuwento ni Dusaban, plano lang umano niya na dito sa Maynila mag-aral o lumipat ng paaralan at habang naghihintay ng enrollment, nagtrabaho muna siya.

“Dito sana po [ako] mag-aaral o mag transfer [sa Maynila]... Kaso eto ang nangyari nagka-COVID," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.