'Most wanted online child sex offender' ng Europa timbog sa Cebu | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Most wanted online child sex offender' ng Europa timbog sa Cebu

ABS-CBN News
Published Jul 25, 2019 05:34 PM PHT

Naaresto ng mga awtoridad sa Cebu City ang isang lalaki na umano ay dawit sa seksuwal na pang-aabuso at pagpapakalat ng mga maselang larawan ng mga bata, inanunsiyo ngayong Huwebes ng International Justice Mission (IJM).

Bitbit ang warrant, pinasok ng mga tauhan ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center at National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division ang isang apartment sa liblib na lugar sa Barangay Luz, at inaresto ang suspek na si Nelson Turayno.

May edad 3 hanggang 6 ang mga biktima ni Turayno, na kinilala ng IJM bilang "most wanted online child sex offender" ng European Union Agency for Law Enforcement Cooperation.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng mga awtoridad sa Australia na may kumakalat doon na mga larawan ng mga batang Pilipino na nakahubad.

Umaksiyon ang Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICAC) na nakatunton sa lokasyon ng suspek.

Habang sine-search ang lugar, nahanap ng mga awtoridad ang USB na naglalaman ng mga hubad na larawan ng mga batang lalaki.

Walong batang biktima ang nasagip ng PICAC na dumadaan ngayon sa counseling ng Department of Social Welfare and Development. -- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
cybercrime
pedophilia
Cebu City
rehiyon
PNP
NBI
International Justice Mission
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT