Lalaking nanonood ng TV binaril sa Dumaguete

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 05:56 AM

NEGROS ORIENTAL—Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin sa Dumaguete City, Negros Oriental Miyerkoles ng hapon.

Tama ng bala sa ulo at katawan ang ikinamatay ni Yngwie Malmstien, 23 anyos.

Ayon kay Police Lt. Gregorio Galsim ng Dumaguete City police, pinasok ng 2 salarin ang bahay ni Malmstien habang nanonood ito ng TV.

Binaril ng mga salarin ang biktima at agad tumakas sakay ng motorsiklo.

Inaalam pa ng Dumaguete City police ang motibo sa pamamaslang.—Ulat ni Mark Salanga, ABS-CBN News