Abogado ni 'Bikoy' planong ipa-impeach si Robredo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Abogado ni 'Bikoy' planong ipa-impeach si Robredo

ABS-CBN News
Published Jul 25, 2019 08:04 PM PHT

Matapos idawit sa reklamong pag-aalsa, impeachment naman ang banta laban kay Vice President Leni Robredo ng kampo ni Peter Joemel Advincula alyas "Bikoy."

Maaalalang sinampahan ng mga kasong sedition, inciting to sedition, libel, cyberlibel, estafa, harboring a criminal, at obstruction of justice sina Robredo, dating Sen. Antonio Trillanes, at 30 iba pang taga-oposisyon dahil umano sa pagpaplanong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng "Ang Totoong Narco-list" videos.

Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) gamit ang affidavit ni Advincula.

Pero bukod sa sandamakmak na kasong ito, ibinunyag ni Atty. Larry Gadon, abogado ni Advincula, na kasama rin sa plano nilang maghain ng impeachment complaint laban kay Robredo sakaling ma-indict si Robredo.

ADVERTISEMENT
"If Mrs. Robredo is indicted, then that could be the next step, the impeachment proceedings against her... That’s my plan only," sabi ni Gadon sa ANC nitong Huwebes.

Agad namang dumistansiya ang Palasyo sa pahayag ni Gadon, na nakilala dahil sa pagsampa ng impeachment complaint laban sa napatalsik na Chief Justice na si Maria Lourdes Sereno.
"Bahala siya sa sarili niya. Sa kaniyang diskarte iyon, hayaan mo siya. Every citizen has the right to do anything legal under the constitution... Never naman kaming nakialam eh," ani Salvador Panelo, tagapagsalita ng Palasyo.

Pero para sa kampo ni Robredo, malinaw na kung ano ang tunay na balak sa pagsasampa ng sedition complaint laban sa mga taga-oposisyon: ang mapatalsik ang pangalawang pangulo.
"Hindi ito criminal case na ordinaryo. Hindi ito batay sa isang maayos na imbestigasyon. Ito ay clearly politically-motivated," sabi ni Atty. Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo.
"If the only basis for this particular referral is the old affidavit ni Mr. Advincula, then very, very clear na walang basis ito, sinungaling na tao 'yan," dagdag pa ni Gutierrez.

Pero depensa ng PNP at ni Gadon, may iba silang basehan sa pagsasampa ng reklamo bukod sa salaysay ni Advincula.

Handa naman umanong harapin nina Robredo, Trillanes, at iba pa ang mga reklamo.

—Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV Patrol Top
Vice President
Leni Robredo
Bikoy
Peter Joemel Advincula
sedition
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT