ALAMIN: Ano ang kasong 'sedisyon' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ano ang kasong 'sedisyon'
ALAMIN: Ano ang kasong 'sedisyon'
ABS-CBN News
Published Mar 17, 2018 05:13 PM PHT

Kamakailan ay sinampahan si Senador Antonio Trillanes IV ng kasong "inciting to sedition" dahil sa isang talumpati na umano'y naghihimok sa mga sundalo na patayin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng sedisyon at ano ang kaibahan nito sa naturang kaso na naisampa kay Trillanes? Ipinaliwanag ito ng abogadong si Atty. Claire Castro sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM nitong Biyernes.

"Ang sedition kasi, ito 'yung action na mayroong public uprising, mayroon ding pag-aalsa, may gamit na armas, pero ang purpose mo lang dito is, let's say, to create hatred to a particular person or public official," paliwanag ni Castro.

Aniya, nangyayari rin ang sedisyon kung magsasagawa ng isang pag-aalsa para hindi matuloy ang isang mahalagang pangyayari, gaya ng eleksiyon.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Castro, tatlo o higit pang armadong tao ang kinakailangan para mangyari ang sedisyon.

Naiiba naman aniya ang sedisyon sa rebelyon na naglalayong makuha ang kapangyarihan ng isang bansa o parte ng estado.

Samantala, ang inciting to sedition naman na naisampa kay Trillanes ay nangyayari sa pamamagitan ng pagsasalita o pagsusulat.

"Wala kang partikular na partisipasyon doon sa sinasabing sedition, nag-iincite ka lang, nag-eencourage ka lang," ani Castro.

Aniya, maaaring isampa ang inciting to sedition kahit sa iisang tao lamang.

Nilinaw naman ni Castro na pag-aaralan pa sa korte ang naisampang kaso kay Trillanes.

Maaaring maharap sa 6 na buwan hanggang 6 na taong
pagkakabilanggo ang sinumang mapapatunayang nag-engganyo ng sedisyon.