2 bangkay natagpuan sa Cebu

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2018 08:07 AM

Iniinspeksyon ng isang pulis ang lugar kung saan nakita ang isa sa 2 bangkay ng mga hindi pa nakikilalang biktima. Larawan mula sa Liloan police

LILOAN, Cebu - Nadiskubre ng mga pulis ang 2 bangkay sa masukal na bahagi ng bayan na ito, Martes ng umaga.

Unang nakita ng mga awtoridad ang bangkay ng isang babae na may mga tama ng baril sa Purok Sandayong, Barangay San Roque. 

Isang kilometro mula sa lugar, nakita naman nila ang katawan ng isang lalaki na may mga tama rin ng bala at tinakpan ng packing tape ang mukha. 

Kapwa nakasuot ng shorts at puting t-shirt ang mga biktima. May tattoo naman sa kamay at hita ang lalaki. 

Walang narekober na ID mula sa kanila. 

Blangko pa ang mga pulis sa motibo ng krimen at naghahanap pa ng mga testigo. 

Dinala ang 2 bangkay sa isang punerarya sa Liloan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.