Kilos-protesta para sa huling SONA ni Duterte kasado na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kilos-protesta para sa huling SONA ni Duterte kasado na

ABS-CBN News
Published Jul 24, 2021 08:06 PM PHT

MAYNILA—Kasado ang mga kilos-protesta ng iba't ibang grupo para sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, umulan man o umaraw at kahit may banta ng pandemya.

Alas-9 ng umaga magtitipon-tipon ang mga grupo sa University of the Philippines sa Diliman, sa Elliptical Road, at sa tapat ng Commission on Human Rights sa Quezon City.

Sabay-sabay silang magmamartsa patungo sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Pero plano ng grupo na tapusin agad ang programa nang hanggang tanghali bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.
Pero plano ng grupo na tapusin agad ang programa nang hanggang tanghali bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.
ADVERTISEMENT
Sentro anila ang tema ng protesta sa kanilang hatol sa higit 5 taong panunungkulan ng administrasyon at sa mariing panawagan nila na wakasan na ang rehimeng Duterte.

"Bukod sa usapin ng pandemya, nand’yan ang usapin ng pagpaslang, mga human rights violation, ’yung issue ng pagtataksil ni Pang. Duterte sa West Philippine Sea, ’yung nagpapatuloy na korapsyon na nagaganap sa administrasyong Duterte," ani dating kinatawan ng grupong Bayan Muna na si Teddy Casino.

Inihahanda na rin ang effigy na tinatawag na "Kapit Tuko sa Palasyo", na ayon sa grupong Bayan ay sumisimbolo sa kagustuhan ni Duterte na manatili sa puwesto.

Matatandaang lumulutang ang usaping tatakbo si Duterte bilang bise presidente, katambal ang kaniyang anak na si Sara Duterte-Carpio para sa 2022 elections, bagay na ikinaalarma ng ilang grupo at eksperto sa posibleng pagpapalusot para manatili si Duterte sa pagkapangulo.

Mahigpit namang hinikayat ng Philippine National Police na gawing virtual na lang ang protesta dahil sa banta ng Delta COVID-19 variant.

"We encourage these groups planning to conduct mass actions to coordinate their activities with the PNP. Pero mas makabubuti sana kung gawin na lamang nilang virtual ang kanilang mga activities para na din sa kaligtasan ng lahat mula sa COVID-19 lalo na’t nakapasok na sa ating bansa ang mas nakahahawang Delta variant,” ani PNP chief Guillermo Eleazar.

Pinayagan naman ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na magsagawa ng protesta ang grupo basta't isumite ang pangalan ng lahat ng lalahok para sa contact tracing sakaling may magpositibo sa COVID-19.

"We have an existing health crisis made more volatile by the presence of the highly infectious Delta variant in Metro Manila. It is everyone’s civic duty to adhere to minimum health standards and limited mobility. We were assured by the rally organizers that they would closely monitor their ranks and we consented, subject to strict adherence to health protocols," ani Quezon City Mayor Joy Belmonte

Pero giit ng mga grupo na essential activity ang ikakasa nilang protesta na hindi puwedeng pigilan ang protesta.

"Ang ganitong pagkilos ay isang exercise ng mamamayan ng kanyang constitutionally guaranteed right to freedom of expression, freedom of assembly, and the right to redress of grievance," ani Atty. Ephraim Cortez ng National Union of Peoples' Lawyers.

Tiniyak naman nila na mahigpit silang susunod sa health protocols. — Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
President Rodrigo Duterte
SONA
Duterte
SONA protests 2021
2021 SONA
SONA 2021
protesta
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT