Di magpapakawala ng tubig sa mga dam sa kabila ng pag-ulan — water resources board | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Di magpapakawala ng tubig sa mga dam sa kabila ng pag-ulan — water resources board

Di magpapakawala ng tubig sa mga dam sa kabila ng pag-ulan — water resources board

ABS-CBN News

Clipboard

Tiniyak nitong Sabado ni Sevillo David Jr. ng National Water Resources Board na walang dapat ikabahala sa lebel ng tubig sa mga dam sa Luzon sa kabila ng sunod-sunod na ulan.

Tiniyak ni David sa panayam sa Teleradyo na nasa normal na lebel pa rin ang tubig sa mga dam kung kaya hindi kakailanganing magpakawala ng tubig na maaaring maging sanhi ng pagbaha.

"Karamihan po sa mga dams natin sa Luzon ay masasabi po nating nasa normal na lebel po. Ito pong mga pag-ulan na nararanasan natin ay nakapagpadagdag po na bahagya sa mga dams natin, pero sa ngayon ay wala pa po tayong dapat ipangamba dahil sa lebel nila," aniya.

"Tantya po natin sa mga susunod na araw ng pag-ulan na ito ay wala po tayong nakikita na aabot ito sa lebel na kailangang magpakawala."

ADVERTISEMENT

Tinukoy niya ang mga dam ng Angat, Magat at San Roque na sumasakop sa malaking bahagi ng Luzon.

Aniya kung tutuusin, hindi pa umaabot sa normal na lebel ng tubig ang laman ng Angat.

"Gaya ng Angat dam, nasa 186 meters po ito. Ang normal water level nito ay nasa 210 hanggang 212 meters. So nasa 186 pa lang ngayon. Kailangan pang magpataas iyan para matustusan pa ang pangangailanan natin sa tubig at irigasyon," dagdag pa ni David.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.