Total lockdown ipinatupad sa bayan sa Tarlac matapos magpositibo 6 sa isang pamilya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Total lockdown ipinatupad sa bayan sa Tarlac matapos magpositibo 6 sa isang pamilya

Total lockdown ipinatupad sa bayan sa Tarlac matapos magpositibo 6 sa isang pamilya

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 24, 2020 03:04 PM PHT

Clipboard

Nakahanda na ang pansamantalang tutuluyan ng mga residenteng na-contact trace at naghihintay na lamang ng resulta ng kanilang swab test. Nagpatupad ng total lockdown sa bayan ng Concepcion sa Tarlac matapos na magpositibo ang anim na miyembro ng isang pamilya. Larawan hango sa Facebook page ng LGU Concepcion Tarlac

MAYNILA – Kasalukuyang nasa ilalim ng 36-hour total lockdown ang bayan ng Concepcion sa Tarlac matapos na magpositibo ang anim na miyembro ng isang pamilya doon.

Ayon kay Concepcion Mayor Andres Lacson, nasa quarantine facility na nila ng pamilya na pawang asymptomatic.

Ang lockdown ay epektibo mula alas-5 ng hapon nitong Huwebes hanggang alas-5 ng umaga ng Sabado.

“'Yung manugang nila nagtatrabaho sa Casino Filipino sa Angeles City. Naghahanap ng trabaho, voluntarily pumasok siya. Sa Casino Filipino, anim na ang nag-positive, pang-anim itong kababayan ko. Asymptomatic pa naman kaya wala siyang ideya na may COVID na siya na nahawahan na pamilya niya,” pahayag ni Lacson.

ADVERTISEMENT

Sa panayam sa ABS-CBN Teleradyo Biyernes, sinabi ni Lacson na nalaman lang ng nasabing kababayan niya na may COVID-19 na siya nang magkaroon ng sintomas at ma-itest ang kasamahan sa trabaho.

“Nung nalaman nila doon pa lamang naalarma ang Casino Filipino na nagka-COVID positive 'yung kasama nila, eventually lahat ng staff nagpa-test,” sabi niya.

Huwebes nang mapagdesisyunan ng lokal na pamahalaan na i-lockdown ang buong bayan para mas epektibong magampanan ang contract tracing sa posibleng mga nahawa ng sakit.

“Ang key dito is quick reaction saka isolation and then immediate testing para ‘di na makahawa sa community kaya po kami nag-lockdown,” banggit ng alkalde.

Paliwanag ni Lacson na ang kanilang itinuturing ngayong unang kaso ng local transmission ay dumalo pa sa birthday party.

“Kaya nag-utos kami ngayon na wala munang okasyon. Family gathering, still it’s a birthday party, doon kami nahirapan kaya umabot nang mahigit 200 ang tine-trace, napakadami nila,” sabi niya.

Agad naman silang nagsagawa ng contact tracing at swab test at hinihintay na lamang nila ang paglabas ng mga resulta nito.

“If and when makuha namin lahat by tonight baka ma-lift na lockdown,” sabi niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.