PNP nakahanda na para sa unang SONA ni Bongbong Marcos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP nakahanda na para sa unang SONA ni Bongbong Marcos

ABS-CBN News
Published Jul 23, 2022 02:04 PM PHT
|
Updated Jul 23, 2022 07:01 PM PHT

MAYNILA – Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa unang State of the Nation (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa darating na Lunes.

Ilang araw bago ang SONA, nagsagawa ng inspection si Maj. Gen. Valeriano de Leon, PNP director for operations, sa Batasan Police Outpost sa Batasang Pambansa.

Sa isang panayam kay De Leon, siniguro niyang nakahanda na ang pulis sa gaganaping unang SONA ng bagong pangulo.

"If the threat will come from the South, then we will focus our forces in the South. If there will be a threat to the North, then we will focus on the North. But in the meantime, we equated our forces in all directions. Kaya lahat 'yan spread equally," ani De Leon.

Bagama't wala pang natatanggap na banta sa seguridad ang pulisya, nakahanda ang PNP na mang-aresto ng kung sinuman ang lalabag sa mga panuntunan sa araw ng SONA. Isa sa mga direktiba sa Lunes ay ang mga nakahandang mobile jails, "para doon sa mga unruly and openly violating the law," ani De Leon.

Nagsimula na rin ang malawakang gun ban sa Metro Manila at matatapos naman ng hatinggabi ng Hunyo 27, ayon kay De Leon.

Nang tanungin patungkol sa mga progresibong grupong umaapela na makapag-rally sa araw ng SONA, sinabi ni De Leon na inaasahan na nilang magsasagawa ang ilang grupo ng protesta may permit man o wala.

Kinumpirma rin ni De Leon na nabigyan ng permit ng Quezon City local government ang mga pro-Marcos na magsasagawa ng programa sa Lunes.

Aniya, wala pang nabibigay na eksaktong lokasyon kung saan pinayagan ang mga supporters. Ito umano ay pinag-uusapan pa sa isang dayalogo kasama ang lokal na pamahalaan ng QC at ilang mga progresibong grupo.

"Yung mga supporters, pinayagan. Pero there's no specific (location). That's part of the agenda to be clarified by the local government unit," ani De Leon.

Makikipag-ugnayan naman ang pulis sa Department of Health sa ipapatupad na protocol sa pagtitipon at sisiguruhin nilang naka-antigen o RT-PCR ang mga sasali sa pagtitipon.

Aniya, hindi mandatory ang pagkakaroon ng negatibong RT-PCR para sa mga magsasagawa ng programa sa Lunes pero hihikayatin ng PNP ang mga organizer ng mga isasagawang programa na siguraduhing ligtas at hindi pagmumulan ng pagtataas ng kaso ng COVID-19 ang isasagawang SONA.

Nakahanda ring magpatupad ng maximum tolerance ang pwersa ng PNP kung sakaling may mararahas na paglabag sa batas mula sa mga magsasagawa ng protesta.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT