Resolution para sa reconsideration ng ABS-CBN franchise, ipinasa sa Pandan, Antique

Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2020 12:43 AM | Updated as of Jul 26 2020 12:46 PM

PANDAN, Antique -- Isang resolusyon na naguudyok sa Kongreso na muling tingnan ang franchise renewal ng ABS-CBN ang ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Pandan, Antique nitong Hulyo 13.

Naniniwala ang sanggunian na mahalaga ang papel ng ABS-CBN lalo na sa pagbibigay impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa bansa.

 
Malaking tulong din ang mga entertainment programs nito, lalo na sa kinakaharap na pandemiya ng COVID-19. 

Naniniwala ang Sangguniang Bayan ng Pandan na wala sa timing ang pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN. 

Hindi naman kasi lahat ay kayang magpakabit ng cable sa kanilang lugar para makapanood ng mga palabas ng ABS-CBN, kaya limitado ang access ng mga residente lalo na sa mga balita.

Ang resolusyon ay ipapadala ng Sangguniang Bayan sa Kongreso sa pamamagitan ng kongresista ng Antique na si Rep. Loren Legarda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.