30 pamilya sa isang barangay sa Bacolod City, naka-lockdown dahil sa COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
30 pamilya sa isang barangay sa Bacolod City, naka-lockdown dahil sa COVID-19

Marty Go,
ABS-CBN News
Published Jul 23, 2020 07:13 PM PHT

BACOLOD CITY - Nasa 30 pamilyang residente ng Barangay 26 sa Bacolod City ang isinailalim sa lockdown matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang senior citizen na nakatira sa lugar.

Ayon kay Punong Barangay Jhun Mharby Orola, walang travel history ang senior citizen.

Nagmamay-ari ito ng isang compound kung saan may pinarerentahan siyang mga silid.

Sumailalim na rin sa swab test ang 13 tao na kasama nito sa compound.
Sumailalim na rin sa swab test ang 13 tao na kasama nito sa compound.
ADVERTISEMENT
Dagdag pa ni Orola, nagpunta sa ilang mga lugar tulad ng mall ang senior citizen bago ito nakaramdam ng mga sintomas.

Martes nang magsimula ang lockdown at tatagal ito hanggang sa lumabas na ang resulta ng swab test ng mga residente ng compound.

Nitong Miyerkoles, nagsagawa na ng disinfection ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa bahagi ng Barangay 26 na naka-lockdown.

Nauna nang sinabi ni Vice Mayor El Cid Familiaran, ang chairman ng Bacolod Inter-Agency Task Force na may local transmission na ng COVID-19 sa siyudad.

Sa kabila nito, hindi naman umano magiging madali na muling isailalim sa General Community Quarantine ang Bacolod City dahil kailangang maaprubahan ito ng national IATF.

Isang 24 anyos na dating locally stranded individual ang bagong nadagdag sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bacolod City, base sa datos ng Department of Health noong Miyerkoles.

Sa kabuuan, nasa 93 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Bacolod City.