Municipal health office sa Caluya, Antique, isinailalim sa lockdown | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Municipal health office sa Caluya, Antique, isinailalim sa lockdown

Municipal health office sa Caluya, Antique, isinailalim sa lockdown

ABS-CBN News

Clipboard

Naka-lockdown ngayon ang Municipal Health Office ng Caluya sa Antique matapos magpositibo ang pito nitong kawani.

Pansamantalang isinailalim sa lockdown ang Municipal Health Office sa Caluya, Antique, matapos magpositibo sa COVID-19 ang pitong kawani nito.

Sa official statement na inilabas ni Caluya Mayor Rigil Kent Lim nitong Miyerkoles, naging close contact umano ng isang nagpositibo sa COVID-19 ang mga kawani ng MHO Caluya kaya kaagad na isinailalim sila sa antigen test.

Dito na nalaman na nagpositibo sa virus ang pito.

Kaagad na dinala sa quarantine facility ang pito, kasama ang Municipal Health Officer ng bayan.

ADVERTISEMENT

Wala pa namang utos kung kailan muling magbubukas ang MHO Caluya.

Ayon sa alkalde, skeletal workforce muna at on-call ang ibang kawani ng tanggapan habang isinasailalim sa disinfection ang gusali.

- Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.