Higit 20 barangay sa Pampanga nalubog sa baha dahil sa malakas na ulan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 20 barangay sa Pampanga nalubog sa baha dahil sa malakas na ulan

Higit 20 barangay sa Pampanga nalubog sa baha dahil sa malakas na ulan

ABS-CBN News

Clipboard

Higit 20 barangay sa Pampanga ang binaha dahil sa malakas na pag-ulan nitong Hulyo 22, 2021.


Higit 20 barangay sa lalawigan ng Pampanga ang lumubog sa baha nitong Huwebes dahil sa pag-ulang dala ng habagat na pinalakas ng Bagyong Fabian.

Sa bayan ng Macabebe, nagmistulang dagat ang mga daan dahil sa naipong tubig-ulan sa ilang barangay, tulad sa Brgy. Sta. Maria.

Sa Masantol, pinasukan ng tubig ang ilang establisimyento sa Brgy. San Nicolas. Lampas isang talampakan din ang baha sa Brgy. Dela Paz.

Ayon sa provincial disaster risk reduction and management office, nasa 24 na barangay ang apektado ng pagbaha sa lalawigan.

ADVERTISEMENT

Handa umano ang Pampanga sa baha dahil July 16 pa activated ang PDRRMC emergency operations center.

"May stockpiling na tayo ng canned goods, at saka bigas sa PEO. Naka-ready na 'yung mga response vehicle natin, even yung mga bangka natin," ani Angelina Blanco ng PDRMMO-Pampanga.

Kahit kinonvert sa COVID-19 facilities ang mga evacuation centers, handa pa rin umano ang mga ito sakaling kailanganin.

Nasa orange rainfall warning ang Pampanga dahil sa southwest monsoon. Ibig sabihin matindi ang inaasahang pag-ulan sa loob ng isang oras at sa sususunod pang 2 oras.

Pinayuhan ang mga nakatira sa tabi ng ilog at sa mga bulubunduking lugar na kaagad lumikas dahil sa posibleng flashfloods at pagguho ng lupa.

ADVERTISEMENT

Ang mga bayan sa ika-4 na distrito ng Pampanga, tulad ng San Simon, Macabebe at Masantol, at ilang bayan sa ika-2 distrito tulad ng Sasmuan, Lubao at Guagua, ang malimit bahain sa lalawigan.

Itinuturing na catchbasin ang mga ito dahil bukod sa geographical location, sanhi rin umano ang ground subsidence.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Fernando Siringan ng UP Diliman at Kelvin Rodolfo ng University of Illinois, Chicago noong 2003, lumilitaw na tumataas ang ground subsidence rate sa West Pampanga basin kada taon.

Naitala ang 40.6 cm/year na ground subsidence rate sa coastal areas ng Masantol, Macabebe at Sasmuan.

Ang itinuturong sanhi ng ground subsidence ay ang sobra-sobrang pag-extract ng groundwater mula pa noong 1960s.

—Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.