MECQ posibleng ibalik sa MM sakaling umabot sa 85K ang COVID-19 cases sa bansa sa July 31

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2020 07:28 PM

MAYNILA - Umaasa ang Malacañang na hindi magkakatotoo ang prediksyon ng mga researchers sa University of the Philippines na lalagpas sa 85,000 ang bilang ng COVID-19 cases sa buong Pilipinas batay sa kasalukuyang trend.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kapag nangyari kasi ito ay posibleng maghigpit muli ng quarantine sa Metro Manila, at ibalik ito sa modified enhanced community quarantine o MECQ.

Kakailanganin aniya gawin ito kahit pa mahihirapan ang ekonomiya sa shutdown.

“That’s a distinct possibility, although it’s a possibility that I wish would not happen because we all know that while we have to contain the disease, we also need to re-start our livelihoods ‘no," ani Roque.

Samantala, hindi naman naalarma ang Malacañang na umabot na sa higit 70,000 ang bilang ng COVID-19 cases, bagaman kailangan aniya itong tutukan.

"“Well, I wouldn’t pretty say it’s something alarming, but it should concern all of us ‘no," ani Roque.

Kaya naman aniyang pigilan ang pagkalat ng sakit dahil pinaiigting naman ng gobyerno ang pagpapatupad ng localized lockdowns, pagaalaga sa mga may sakit, expansion ng targeted testing, at iba pa.

Nagtitiwala rin ang Palasyo na magbibigay kooperasyon ang mga Pilipino para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

"But that’s why I’m confident that the Filipinos actually will cooperate to even more greater degree than they have shown," ani Roque.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.