COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat sa 72,269 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat sa 72,269

COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat sa 72,269

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 22, 2020 07:22 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Nasa 72,269 na ang kabuuang bilang ng mga taong nahawahan ng bagong coronavirus sa Pilipinas matapos makapagtala ngayong Miyerkoles ang Department of Health ng 1,594 bagong kaso.

Sa naturang bilang, 46,803 ang active cases o iyong mga hindi pa gumagaling sa sakit, ayon sa DOH.

Umakyat naman sa 23,623 ang total recoveries matapos maiulat ng DOH ang 342 pasyenteng gumaling sa sakit.

Anim naman ang naiulat ngayong Miyerkoles na namatay dahil sa COVID-19 kaya tumaas sa 1,843 ang death toll.

ADVERTISEMENT

ONE HOSPITAL COMMAND

Dahil naman sa patuloy na pagdami ng mga dinadala sa ospital bunsod ng COVID-19, inilunsad ng Department of Health ang "one hospital command."

Sa ilalim ng "one hospital command," magsasama sa isang network ang mga pribado at pampublikong ospital para mas mabilis ang referral ng mga pasyente papunta sa mga ospital, o temporary treatment at monitoring facility.

Dadagdagan na rin ang mga kamang ilalaan ng mga ospital para sa mga pasyenteng may COVID-19, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

"Sa public hospitals, we require them to allocate 30 percent of their bed capacity for COVID-19 patients. Kapag nag-surge ang cases, 50 percent. At 'pag kailangan pa, dapat 70 percent of their bed capacity should be allocated for COVID-19 patients," ani Vergeire.

"Ang private naman minandate... 20 percent allocated for COVID and then 'pag nag surge, additional 10 percent," aniya.

BAKUNA KONTRA COVID-19

Hanggang ngayon, tuloy-tuloy rin ang solidarity trial na sinalihan ng Pilipinas para makahanap ng lunas sa COVID-19.

May ilang bakuna sa ibang bansa ang nagpakita na ng positibong resulta.

Sa website ng World Health Organization, makikita sa listahan ang ilang bakunang nasa phase 3 na ng clinical evaluation.

Una na ring sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa mga laboratoryo para makakuha ng bakuna.

Ayon kay Vergeire, dahil wala pang kakayahang gumawa ng bakuna sa Pilipinas, mag-a-angkat muna ang bansa.

"Sa ngayon, vaccine importation tayo," ani Vergeire.

"Mayroon tayong dalawang nakausap na ngayon. We’re just waiting for proper documents," dagdag niya.

Habang wala pang gamot at bakuna kontra COVID-19, paulit-ulit na paalala ng mga awtoridad ang pagsunod sa minimum health standards.

Bukod sa paghuhugas ng kamay, mahalaga rin umano ang pagsusuot ng face mask. -- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.