400 bahay nasunog sa Zamboanga City

Dyborrhae Jewel Reyes, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2018 06:10 PM

ZAMBOANGA CITY -- Aabot sa 400 bahay ang nasunog sa Barangay Labuan, Linggo ng tanghali. 

Partikular na nasunog ang mga bahay sa Calle Balimbing, Purok 5, ayon sa mga awtoridad.

Sa tindi ng sunog, halos mga yero na lang at mga kongkretong pader ang natira sa lugar. 

Inaalam na ng City Social Welfare ang bilang ng mga pamilyang nawalan ng bahay upang kanilang mabigyan ng tulong.

Inaalam naman ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.