Enrollment sa private school nasa 27 percent lang: DepEd Chief | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Enrollment sa private school nasa 27 percent lang: DepEd Chief

Enrollment sa private school nasa 27 percent lang: DepEd Chief

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Bumaba ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enrol sa pribadong paaralan ngayon school year, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.

Ito'y nagpapakita na marami ang lumilipat sa mga public schools sa gitna ng pandemya ng coronavirus, kung saan maraming pamilya ang nawalan ng hanapbuhay.

Habang mataas ang naitalang enrollment sa public schools, nasa 27 porsiyento pa lamang sa inaasahan ang enrolment sa private schools, ayon kay Briones sa pulong na ginawa nitong Lunes kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sa public, 90 percent of our students last year ang naabot natin. Ang ating problema is with the private enrolees kasi only 27 percent have returned. We now have this what I describe as the phenomenon of private school students migrating to public school,” sabi niya.

ADVERTISEMENT

Marami aniyang mga magulang ang nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya at hindi na makayanan pang masustentuhan ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa pribadong paaralan.

Pumalo na sa 7.3 milyon ang bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic, kung saan nagpatupad ng higit 2-buwan na lockdown mula noong Marso at maraming mga negosyo ang kinailangang magsara.

Samantala, iginiit ni Briones na hindi para sa lahat ng paaralan sa low-risk areas ang panukalang limited face-to-face classes.

Sa panayam sa ABS-CBN Teleradyo, sinabi ni Briones na may mga kundisyones na dapat munang masunod bago mapayagan ang mga paaralan na magkaroon ng physical classes.

Nauna nang sinabi ng DepEd na bawal muna ang face-to-face classes sa karamihan ng mga paaralan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

ADVERTISEMENT

“Hindi naman lahat 'pag sinabi mong low-risk area ay papayagan sila agad [na magkaroon ng face-to-face classes],” ayon kay Briones.

Sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education na payagan ang limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.

“Hindi naman tayo nagpapalaki ng mga robot. Hindi naman tayo nagpapalaki ng mga makina. Kailangan may interaction din sila sa kapwa bata, kapwa teacher pero limitado sa risk po natin ngayon,” sabi ni Briones.

Pero dagdag ni Briones, dapat na masunod muna ang mga kondisyon para sa kaligtasan ng mga estudyante at guro tulad ng inspeksiyon sa mga paaralan, pagtiyak sa pagpapatupad sa physical distancing, istriktong pagtugon sa minimum health standards, at kahandaan ng pagtulong ng mga local government unit sa pangangailangan ng mga paaralan.

Kuwento ni Briones, ipinatutupad na ito ng La Salle sa lahat ng mga eskuwelahan nila sa bansa at maging ng isang maliit na paaralan sa Siquijor.

ADVERTISEMENT

Isa o dalawang beses lamang sa isang linggo maaring isagawa ang face-to-face classes.

Dagdag pa ni Briones, inatasan na niya ang mga regional director ng DepEd na bumuo ng mga team na siyang mangunguna sa pag-inspeksiyon ng mga paaralan na kanilang nasasakupan.

Pero ang mode of learning na ito ay malabo pa ring mangyari sa National Capital Region na patuloy na nasa ilalim ng general community quarantine.

“Sa Metro Manila medyo may kahirapan kasi GCQ ngayon ang Metro Manila, although ang mga international schools kayang-kaya nila mga requirement ng departamento at ng IATF pero kailangan inspeksiyonin namin facility nila,” sabi niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.