Sanggol, natagpuang patay sa kanal sa Iloilo

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2017 08:21 AM

Natagpuang patay ang isang bagong silang na sanggol sa irrigation canal sa Barangay Agsalanan, Dingle, Iloilo.

Kinuwestyon ng mga pulis ang isang babae na nakatira malapit sa kanal.

Umamin ang babae na siya ay bagong panganak, ngunit hindi pa nakumpirma kung siya ang ina ng natagpuang sanggol, ayon kay Senior Inspector Samuel Vipinosa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Women and Child Protection Desk ang babae at pinagiisipan pa ng mga otoridad kung siya ay kakasuhan ng infanticide.

- Umagang Kay Ganda, ika-21 ng Hulyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.