Rider patay, isa pa sugatan sa salpukan sa Iloilo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rider patay, isa pa sugatan sa salpukan sa Iloilo

ABS-CBN News
Published Jul 20, 2021 12:02 PM PHT

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kaniyang kapwa motorcycle rider matapos magsalpukan ang mga minamaneho nilang motorsiklo sa Cabatuan, Iloilo, sabi ngayong Martes ng pulisya.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi bilang si Reynaldo Madirada, 30, habang nasugatan naman si Bernald Armada, 21.

Ayon sa imbestigasyon, patungo sa bayan ng Santa Barbara, Iloilo ang motorsiklong minamaneho ni Armada nang makasalubong nito ang motorsiklo ni Madirada noong gabi ng Linggo.

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon sa kalsada ang 2 rider.
Sa lakas ng banggaan ay tumilapon sa kalsada ang 2 rider.
ADVERTISEMENT
Agad rumesponde ang mga local disaster official ng Cabatuan at dinala sa ospital ang 2 pero kalauna'y binawian din ng buhay si Madirada.

Napag-alaman ng mga awtoridad na parehong nakainom ng alak at walang suot na helmet ang mga motorcycle rider nang mangyari ang aksidente.

Patuloy namang nagpapagaling sa ospital si Armada.

— Ulat ni Rolen Escaniel
FROM THE ARCHIVES
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT