SAPUL SA CCTV: Tricycle driver binaril sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2019 05:20 AM

CCTV footage mula sa Barangay Jalandoni-Estate

ILOILO—Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Jalandoni-Estate, Lapuz District, Iloilo City Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ernesto Regalado Jr. na dating drug surrenderee.

Sa kuha ng CCTV, sinundan ng mga salarin ang biktima habang nagmamaneho ito ng kaniyang traysikel.

Bumaba ang gunman na naka-full-face helmet at itim na jacket at saka pinagbabaril ng malapitan ang biktima.

Agad umalis sa lugar ang gunman sakay sa kasamahang nakamotorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.—Ulat ni Nony Basco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.