Tricycle driver, kalaboso dahil sa droga

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 11:07 AM

Isang lalaki ang kalaboso matapos mahulihan ng iligal na droga sa Barangay 179 sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Allan Jay Palo, 29-anyos, isang tricycle drayber.

Ayon sa Raxabago Police Station, rumoronda ang mga pulis ng Gagalangin PCP nang makita ang suspek na may kahina-hinalang kilos.

Nang sitahin ng mga pulis, narekober dito ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nakakulong ang suspek sa Manila Police District (MPD) Station 1 at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.