National Security Adviser Clarita Carlos, nakipagpulong sa Coast Guard | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

National Security Adviser Clarita Carlos, nakipagpulong sa Coast Guard

National Security Adviser Clarita Carlos, nakipagpulong sa Coast Guard

ABS-CBN News

Clipboard

Nakipagpulong si National Security Adviser Clarita Carlos sa Philippine Coast Guard ngayong Lunes, Hulyo 18, 2022. Raya Capulong, ABS-CBN News
Nakipagpulong si National Security Adviser Clarita Carlos sa Philippine Coast Guard ngayong Lunes, Hulyo 18, 2022. Raya Capulong, ABS-CBN News

MANILA — Bumisita si National Security Adviser Dr. Clarita Carlos sa national headquarters ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Maynila ngayong Lunes.

Sa kanyang pagbisita, binigyan si Carlos arrival honors ng PCG sa pangunguna ni Commandant Adm. Artemio Abu at iba pang opisyal at personnel ng ahensya.

Pagkatapos ng arrival honors, diretso sa pagpupulong ang National Security Council at Philippine Coast Guard.

Sa kanilang pagpupulong, sinabi ni Carlos na wala pa siyang ibinibigay na marching orders partikular na sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, patuloy pa raw ang koordinasyon nila sa PCG.

Ayon naman kay PCG spokesperson Cmdr. Armand Balilo, binigyan nila ng briefing si Carlos hinggil sa kanilang mga trabaho at tungkulin sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea at iba pang mga karagatan sa Pilipinas.

Sinabi rin ni Balilo na ipinabatid din nila kay Carlos ang pangangailangan ng PCG sa mga karagdagang patrol vessels, assets, at tauhan para mas mapaigting ang pagbabantay sa mga mga karagatan sa bansa.

Pagkatapos ng higit 2 oras na pulong, umakyat at nag-ikot sa barkong BRP Teresa Magbanua si Carlos.

Nakatakdang magpulong ulit sa susunod na linggo ang National Security Council at PCG.

—Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.