PatrolPH

Dolomite beach sa Maynila, sorpresang binuksan sa publiko

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2021 11:06 AM | Updated as of Jul 18 2021 06:36 PM

Dolomite beach sa Maynila, sorpresang binuksan sa publiko 1
Nakapasok ang ilang tao matapos sorpresang inanunsyo ang pagbubukas ng tinatawag na 'dolomite beach' sa Maynila nitong alas-8 ng umaga Linggo. Jekki Pascual, ABS-CBN News

MAYNILA - Sorpresang inanunsyo ang pagbubukas ng tinatawag na 'dolomite beach' sa Baywalk sa Maynila nitong umaga ng Linggo. 

Limitado muna ang kapasidad ng beach at mayroong tig-5 minuto lang ang mga pinapayagang mamamasyal dito. Dapat nakasuot din ng face mask at face shield ang mga bisita.

May mga tauhan ang Department of Environment and Natural Resources na nagpapaalala sa publikong sumunod sa health protocol. 

Magkaiba rin ang entrance at exit sa beach para hindi magsiksikan ang mga tao. May mga karatula ring nagsasabing bawal ang swimming, pagkain, paninigarilyo, at pagkalat ng basura. Bawal din ang parking sa gilid ng Roxas Boulevard. 

Watch more on iWantTFC

Nag-inspeksyon si Manila Police District director Brig Gen. Leo Francisco para masigurong natutupad ang health protocol. Maraming pulis din ang ipinakalat sa Baywalk. 

Hindi pa tiyak kung hanggang kailan ang pagbubukas ng dolomite beach. Sa paunang impormasyon, posibleng hanggang 3 araw muna itong bubuksan sa publiko sa limitadong oras.f

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.