Negosyante patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2020 10:32 PM

Ang sasakyan ng biktimang si Carlos Lam. Menzie Montes

CAGAYAN DE ORO - Patay sa pamamaril ang isang 58-anyos na negosyante nitong Sabado sa Zone-4, Barangay Canitoan sa siyudad na ito.

Kinilala ang biktima na si Carlos Lam na binaril ng gunman na nakamotor pasado ala-1 ng hapon.

Nagmamaneho ng kaniyang sasakyan nang tambangan si Lam.

Ayon kay Police Major Evan Viñas, ang tagapagsalita ng Cagayan de Oro city police office, ideneklarang dead on the spot ang negosyante matapos magtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kaniyang katawan at ulo.

Butas na tinuturong exit point ng bala sa pananambang. Menzie Montes

Sugatan din ang isa sa kaniyang kasamahan.

Isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga pulis sa motibo ng pamamaril ang kaniyang mga negosyo.

Nagmamay-ari ito ng bakery at namamahala rin ng sabungan sa siyudad.

Patuloy pa ang hot pursuit operation ng mga pulis sa mga salarin. - Cris Angelo Andrade, ABS-CBN News