Metro-wide noise barrage ipinanawagan ang suporta sa Kapamilya Network | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Metro-wide noise barrage ipinanawagan ang suporta sa Kapamilya Network

ABS-CBN News
Published Jul 18, 2020 08:33 PM PHT

MAYNILA - Nakiisa ang iba't ibang grupo sa patuloy na noise barrage at caravan bilang pagsuporta sa ABS-CBN sa harap ng compound nito at sa iba pang parte ng Metro Manila.

Alas-3 pa lang ng hapon nang dumating ang mga sasakyan sa Makati City.

Abalang naglagay ng mga karatula, sticker, at mga ribbon at kung ano-ano pa na nagpapakita ng suporta sa ABS-CBN ang mga ito.

Ilan sa unang mga dumating ang mga drayber ng kompanya na nawalan na ng trabaho pero hindi matitinag sa pagsuporta sa kompanyang nagbigay ng kabuhayan sa kanila sa mga nakalipas na dekada.

"Kami po yung masyadong naapektuhan na mga maliliit na manggagawa sampu ng mga kasamahan ko kaya po nandito po kami nakikisama at lumalaban para po sa kapakanan ng mga empleyado at manggagawa ng ABS-CBN," ani Mac Telpo, isa sa mga driver.

Maaga ring dumating ang ilang kinatawan ng mga organisasyon at ilang mambabatas.

Sa TM Kalaw sa Quirino Grandstand sa Maynila, nagtipon din ang ibang supporters ng network.

Laman ng kanilang mga placard ang mga mensaheng #IbalikAngABSCBN, #KapamilyaForever, at #DefendPressFreedom.

Alas-4 ng hapon naman winagayway ang mga kulay na pula, luntian, at bughaw na mga kulay ng ABS-CBN.

Sabay-sabay umandar ang mga siklista, motorista at mga pribadong sasakyan.

May mga nagdala rin ng megaphone at isinigaw ang panawagang ibalik ang ABS-CBN.

Pero wala pang 10 minuto ay hinarangan na ng mga police mobile ang kalsada sa Ayala at pinutol ang convoy.

Ayon sa pulisya na nakausap ng news team, wala anilang permit ang pagtitipon kaya inutusan silang putulin ito at padaanin sa ibang direksyon ang karamihan sa mga sasakyan.

Nakahanap muli ng bagong ruta ang mga sasakyan at tinahak nila ang EDSA hanggang sa makarating sa Sgt. Esguerra sa ABS-CBN.

Simula ngayong araw, epektibo na rin ang Anti-Terror law pero ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, hindi dapat matakot ang taumbayan.

"Hindi naman hihinto ang taumbayan para sa pagsasaad ng kanilang mga makatwirang panawagan. In fact sa totoo lang, ang kinikitil ng kasalukuyang administrasyon ay ang karapatan nating magpahayag. Nakita niyo naman di ba nauna pa ang mga pulis, di bale sana kung sasama sila," ani Brosas.

Para sa dating kongresista na si Neri Colmenares, malaking tulong ang mga mas malawak na noise barrage para mapalakas ang pulso para ibalik sa ere ang network.

"Sa sama-samang kilos natin at pagprotesta, lumalaki ang tyansa na mabuksan muli ang ABS-CBN. Hindi ako nawawalan ng pag-asa sa ABS-CBN at sa mga manggagawa nito," ani Colmenares.

Kasama rin sa protesta ang mga grupo ng health workers, maging ang ilang grupo, artista ng TV network at hindi matatawaran ang bilang ng mga pribadong indibidwal na nais makiisa sa panawagan na ibalik sa ere ang network.

-- Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT