P5-M halaga ng droga nasamsam sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 07:22 AM | Updated as of Jul 18 2019 07:23 AM

BACOLOD CITY - Nasamsam ang P5 milyong halaga ng droga mula sa isang high-value target sa lungsod na ito, Miyerkoles.

Bukod sa 25-anyos na target ng buy-bust operation, arestado rin ang 2 drug runner at isang parokyano.

Nakuha mula sa target ang 400 gramo ng hinihinalang shabu.

Haharap sa kasong selling at possession of illegal drugs ang mga suspek.

--Ulat ni Mark Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.