Ilang bahagi ng Mindanao binaha; residente patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang bahagi ng Mindanao binaha; residente patay

Ilang bahagi ng Mindanao binaha; residente patay

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 17, 2022 07:12 PM PHT

Clipboard

Na-recover ng mga awtoridad ang bangkay ng residenteng si Jose Ybañez na nalunod sa baha sa Tampakan, South Cotabato nitong Hulyo 16, 2022. Courtesy: Brinolie Toc
Na-recover ng mga awtoridad ang bangkay ng residenteng si Jose Ybañez na nalunod sa baha sa Tampakan, South Cotabato nitong Hulyo 16, 2022. Courtesy: Brinolie Toc

MANILA — Binaha nitong Sabado ang ilang bahagi ng Mindanao matapos makaranas ng malakas na pag-ulan.

Sa Tampakan, South Cotabato, patay ang 35-anyos na residenteng si Jose Ybañez matapos malunod sa rumaragasang baha roon.

Ngayong Linggo ng umaga lang nakita at na-recover ang kaniyang bangkay.

Ayon sa pinsan ni Ybañez na si Brinolie Toc, tumulong daw ito sa pagsalba ng mga inanod na gamit Sabado ng hapon nang biglang lumakas ang agos ng tubig.

ADVERTISEMENT

"Humawak po siya sa kahoy. Kaya paghawak niya po sa may kahoy, natumba din po iyong kahoy," kuwento ni Toc.

Watch more News on iWantTFC

Nag-panic naman ang ilang mga residente sa iba pang barangay sa bayan ng Tampakan na apektado ng baha. May ilang motoristang na-stranded at hindi rin makatawid ng tulay na sinira ng baha.

Ayon sa inisyal na ulat ng PDRRMO, isang tulay ang napaulat na nasira, at may ilang mga kalsadang hindi madaanan kaya hindi pa matukoy ang kabuuang danyos.

Sa kabuuan, ang mga bayan ng Tupi at Tampakan ang naapektuhan ng baha bunsod ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan sa lalawigan.

Magdamag binaha ang ilang bahagi ni South Cotabato dahil sa malakas na tumama roon nitong Hulyo 16, 2022. Courtesy: Rolly Doane Aquino
Magdamag binaha ang ilang bahagi ni South Cotabato dahil sa malakas na tumama roon nitong Hulyo 16, 2022. Courtesy: Rolly Doane Aquino

DAVAO DEL SUR

Hindi rin sinanto ng baha ang lungsod ng Digos sa Davao del Sur.

Sa video na kuha ni Jeper Tan Esma, kita ang malakas na agos ng tubig patungo sa kanilang bahay at mga katabing bahay.

Aniya, nasira na ang kanilang bakod dahil sa ragasa ng baha.

Sa isang checkpoint doon, dumaan ang ilang mga sasakyan at motorsiklo sa kabila ng pagbaha.

Galing umano sa bundok ang tubig at bumaba sa kanilang lugar. Humupa rin naman ito kalaunan.

Batay sa General Flood Advisory ng PAGASA na inilabas nitong Sabado ng gabi, nakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang ulan ang Davao region dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Southern Mindanao.

— Ulat nina Chat Ansagay at Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.