Malakas na pag-ulan nagdulot ng pagbaha sa ilang kalsada sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Malakas na pag-ulan nagdulot ng pagbaha sa ilang kalsada sa Maynila

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Jul 17, 2021 08:19 AM PHT

MAYNILA - Lubog sa baha ang ilang mga kalsada sa lungsod ng Maynila, Sabado ng madaling araw.

Ito’y dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan simula pa Biyernes ng gabi.

Huminto naman ang ulan bandang alas 2 ng umaga, pero nag-iwan ito ng pagbaha sa lungsod.

Sitwasyon sa España Blvd. Sabado ng madaling araw matapos ang pag-ulan. Lubog din sa baha ang iba pang daan sa Sampaloc, Maynila. pic.twitter.com/8AFplSlXGn
— Jekki Pascual (@jekkipascual) July 16, 2021

Gutter-deep ang pagbaha sa mga pangunahing kalsada sa Sampaloc, partikular sa España Boulevard malapit sa UST, Lacson Avenue at sa maraming kalapit na mga daan.

Humihinto ang mga sasakyan at naniniguro muna kung kaya ba nilang daanan ang baha kaya nagdulot rin ng trapik sa ilang mga intersection.

May mga truck naman na nag lakas-loob na dumaan sa mga bahang kalsada.

Bukod sa Sampaloc, binaha rin ang iba pang pangunahing kalsada sa Ermita, Paco at Tondo gaya ng Recto Avenue, Taft Avenue at UN Avenue.

Binaha kaninang madaling araw ang ilang kalsada sa Maynila kabilang ang Taft, Recto, Lacson, Rizal at España. pic.twitter.com/VHsqHLXyyF
— Jekki Pascual (@jekkipascual) July 16, 2021
Binaha kaninang madaling araw ang ilang kalsada sa Maynila kabilang ang Taft, Recto, Lacson, Rizal at España. pic.twitter.com/VHsqHLXyyF
— Jekki Pascual (@jekkipascual) July 16, 2021
Nagkaroon rin ng pagbagal ng mga sasakyan sa ilang lugar. Gutter-deep din ang baha kaya maraming mga tao ang sinubukan pa rin maglakad sa baha habang ang iba ay nag-antay muna na bumaba ang lebel ng tubig.

Humupa na rin ang baha sa karamihan sa mga kalsada Sabado ng umaga.

- TeleRadyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT