Diarrhea outbreak idineklara sa 1 barangay Davao del Norte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Diarrhea outbreak idineklara sa 1 barangay Davao del Norte

Diarrhea outbreak idineklara sa 1 barangay Davao del Norte

ABS-CBN News

Clipboard

Kasalukuyang namamalagi ang mga pasyenteng tinamaan ng diarrhea sa barangay covered court kung saan sila binibigyan medical support at iba pa nilang pangangailangan. Larawan mula sa Municipal Information Officer

Nagdeklara ng diarrhea outbreak ang pamahalaang bayan ng Santo Tomas, Davao del Norte sa isa nitong barangay Sabado, isang araw matapos na magkasakit ang 171 mga residente.

Ayon kay Mayor Ernesto Evangelista, simula Biyernes ay nakaranas ang mga taga-Barangay Tulalian ng pananakit ng tiyan, pagususuka at pagtatae.

Dalawa na ang namatay, habang 47 iba pa ang dinala sa ospital.

Sa isang pahayag, sinabi ni Santo Tomas Municipal Information Officer Mart Sambalud, agad silang nag-deploy ng tauhan mula sa Municipal Health Office (MHO).

Agad namang binigyan ng gamot ang mga pasyente. Hinihinala rin na nakuha ng mga residente ang sakit mula sa kontaminadong tubig.

ADVERTISEMENT

Nagsagawa na rin ang lokal na pamahalaan ng household chlorination, at pinaigting ang community information and education campaigns tungkol sa environmental sanitation.

Pansamantalang namalagi ang mga pasyente sa barangay covered court kung saan binigyan sila ng plastic beds, pagkain at iba pang medical support. — Ulat ni Cheche Diabordo

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.