Sa gym ng Barangay Pasian sa bayan ng Monkayo ngayon mino-monitor ang mga residenteng nagkasakit dahil umano sa diarrhea outbreak sa naturang lugar. Larawan mula sa lokal na pamahalaan ng Monkayo
Isinailalim sa state of calamity ang Barangay Pasian sa bayan ng Monkayo, Davao de Oro ngayong Biyernes, dahil sa diarrhea outbreak na nagsimula noong Linggo.
Base sa tala ng Davao de Oro Provincial Health Office, lima na ang namatay sa 184 na kaso ng diarrhea na naitala sa naturang barangay.
Nagbigay na ng diarrhea management control procedure ang lokal na pamahalaan para maagapan ang sitwasyon sa lugar at maibsan ang pananakit ng tiyan ng mga pasyente.
Kumuha na rin ng water sample ang municipal health office at iniimbestigahan ang water source ng mga apektadong residente.
Kasalukuyang nasa barangay gym ang mga pasyente na inasikaso ng mga health worker ng bayan.
- Ulat ni Hernel Tocmo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
State of calamity, Monkayo, Davao de Oro, Diarrhea outbreak, sakit, health, Tagalog news, Regional news