4 miyembro ng 'budol-budol gang', kabilang 2 senior citizen, tiklo sa Bulacan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 miyembro ng 'budol-budol gang', kabilang 2 senior citizen, tiklo sa Bulacan

Arra Perez,
ABS-CBN News
Published Jul 17, 2020 10:25 PM PHT

MAYNILA - Apat na umano'y miyembro ng "budol-budol gang" ang naaresto sa Brgy. Tibagan sa Bustos, Bulacan Biyernes ng hapon matapos ang isang linggong pagmamanman sa kanila ng mga awtoridad.

Kabilang sa mga suspek ay dalawang senior citizen at dalawa nilang kasamang edad 50-anyos pataas.

Sa ulat ni Police Capt. Rolando Guzman, officer-in-charge ng Bustos Municipal Police Station, modus ng mga suspek ang gumamit ng pekeng 100 US dollar bills sa pagbili ng frozen goods, karaniwan karneng manok.

2 senior citizen at mga kasamang miyembro umano ng 'budol-budol gang', arestado sa Bulacan. Ayon sa Bulacan PNP, modus ng mga suspek ang gumamit ng pekeng 100 US dollar bills sa pagbili ng frozen goods (📷Bulacan PNP PIO) @DZMMTeleRadyo @ABSCBNNews pic.twitter.com/Abcr9SxBOA
— Maria Arra Perez (@arraperezDZMM) July 17, 2020

Kwento naman ng mga biktima sa pulisya, tila ginamitan sila ng hypnotismo ng mga suspek.
Kwento naman ng mga biktima sa pulisya, tila ginamitan sila ng hypnotismo ng mga suspek.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Guzman, posibleng miyembro ng sindikato ang mga suspek, na mahaharap sa kasong estafa.