Paalala sa mga di makakaiwas sa baha: 'Gamot vs leptospirosis, libre lang' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paalala sa mga di makakaiwas sa baha: 'Gamot vs leptospirosis, libre lang'

ABS-CBN News
Published Jul 17, 2018 08:40 PM PHT

Dahil sa walang tigil na ulan at baha, muling pinaalala ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pag-inom ng gamot tuwing lulusong sa baha para maiwasang tamaan ng nakamamatay na leptospirosis.

Isa sa mga magtatanda sa aral na ito si alyas "Raymond" na isinugod sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa kasagsagan ng leptospirosis outbreak ilang linggo na ang nakakaraan.

Matapos sumailalim sa dialysis, bumuti na ang kaniyang kalagayan at ilang araw na lang ay puwede na siyang umuwi.

"Ngayon po alam ko na po so mag-iingat na po ako dahil tinamaan na ako...Muntik na akong mamatay eh," pasasalamat ni Raymond.

Muling pinaalala ng NKTI na hindi lang basta sa sugat maaaring makuha ang leptospirosis kaya dapat maging maingat ang publiko.

Hindi rin kasi maiwasang lumusong sa baha lalo na ang mga nagtatrabaho.

"Kailangan huwag i-expose ang mga bata sa baha...Kailangan naka-bota, raincoat sila. Kailangan huwag tayo makainom ng tubig-baha o kahit matalsikan sa mata at mapaloob sa taenga," payo ni Dr. Romina Danguilan, deputy executive director ng NKTI.

PAALALA
Paalala ni Danguilan, libre sa mga DOH hospital at barangay health center ang doxicycline na siyang dapat inumin kapag na-expose sa baha.

May ibang gamot naman na puwedeng inumin ang mga batang 8 anyos pababa at mga buntis lalo’t hindi biro ang kumplikasyon ng leptospirosis.

"Ang mga kumplikasyon ay usually nasa kidney [so] maaaring kumonti ang ihi ng pasyente at magmanas. Puwedeng magkaroon ng problema sa baga. Nagkakaroon din ng pagdudugo sa baga. That’s a very severe complication," babala ni Danguilan.

Base sa datos ng DOH, mula Enero 1 hanggang Hulyo 10 ngayong taon ay naitala nila ang mahigit 500 kaso ng leptospirosis at 66 sa mga ito ay namatay.

Bagama't wala nang outbreak ng sakit, hindi pa rin daw dapat maging kampante ang publiko lalo’t patuloy ang pag-ulan at pagbaha ngayong araw.

"Sana pumunta na sila sa health center nila within the next 24 to 48 hours para mabigyan na sila ng gamot kasi ayaw natin na after one week, tataas na naman at dadami na naman 'yung kaso natin ng leptospirosis," giit ni DOH Undersecretary Eric Domingo.

—Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
leptospirosis
kalusugan
health
National Kidney and Transplant Institute
NKTI
DOH
Department of Health
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT