Ilang kalsada sa Metro Manila binaha dahil sa habagat | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang kalsada sa Metro Manila binaha dahil sa habagat

Ilang kalsada sa Metro Manila binaha dahil sa habagat

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 17, 2018 05:14 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - (UPDATED) Binaha ang ilang kalsada sa Metro Manila ngayong Martes ng umaga dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan hatid ng hanging habagat.

Na-monitor ng Metro Manila Development Authority ang gutter-deep na baha sa EDSA-Taft, Ortigas Avenue sa may La Salle Greenhills, at Quirino Guanzon sa Maynila.

Kalahating gulong naman ang taas ng baha sa southbound ng Roxas Boulevard sa may Kalaw, ayon sa MMDA.

Bukod sa mga nabanggit na lugar, bumaha rin sa Taft Avenue malapit sa De La Salle University, sa Espanya Boulevard, sa UN at Kalaw Avenue sa Maynila, dahilan para magsikip ang trapiko doon.

ADVERTISEMENT

Maging ang Philippine National Railways, nag-abiso na ng delay sa biyahe dahil sa mataas na tubig baha sa mga madaraanan ng tren.

Kahit ang ilang karatig probinsiya, binaha na rin tulad ng bahagi ng Marilao at Hagonoy, Bulacan; gayun din Antipolo, Rizal.

Bandang alas-6:20 ng umaga ng maglabas ng orange rainfall warning ang PAGASA sa Bataan at Batangas, habang yellow rainfall warning naman sa Metro Manila, Cavite, at Zambales.

Pero makalipas lamang ang may isang oras, inilagay na rin sa orange rainfall warning ang Kamaynilaan, Bulacan, Bataan, at Batangas. Ibig sabihin may banta ng pagbaha.

Ang mga pag-ulan, ayon sa PAGASA, ay bunsod ng hanging habagat. Dahil dito, may ilang klase na ring na suspende ngayong umaga.

Bagama't lumalayo na sa bansa ang Bagyong Henry, isang low pressure area naman ang namataan ng PAGASA sa karagatan sa silangan ng bansa.

Bisitahin ABS-CBN Weather Center para sa latest weather updates.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.