2 sugatan matapos masunog ang isang barko sa Lapu-Lapu City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 sugatan matapos masunog ang isang barko sa Lapu-Lapu City

ABS-CBN News
Published Jul 16, 2022 11:18 AM PHT

Dalawang crew ang sugatan sa nasunog na barko sa Barangay Punta Engaño, Lapu-Lapu City, Cebu, Sabado ng madaling-araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Lapu-Lapu City Fire Department, nakaangkla umano ang M/V Trans Asia 1 na pinagmamay-ari ng Trans Asia Shipping Lines Inc. dahil itinakda itong i-repair.

Tumalon umano ang mga nakabantay na 6 na crew at isang security guard sa dagat nang magsimula ang apoy.

Dinala sa ospital ang dalawang sugatang nagtamo ng first-degree burn. Hirap umano sila sa paghinga dahil sa usok.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Fire Senior Inspector Diomed Alburo, nahirapan sila sa pag-rescue dahil nasa 100 metro ang kinaroroonan ng barko mula sa pampang.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi at kabuuang halaga ng pinsala ng sunog. Idineklara itong fire-out alas 5:45 ng umaga ngayong Sabado.

Nagsasagawa na rin ng inspeksiyon ang Philippine Coast Guard sa posibleng oil spill.

Nasadsad ang barko noong Disyembre 2021 dahil sa bagyong Odette, sabi ni Alburo. — Ulat ni RC Dalaguit de Vela