OWWA itinangging nagpauwi ng COVID-positive na OFW sa Pangasinan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
OWWA itinangging nagpauwi ng COVID-positive na OFW sa Pangasinan

Arra Perez,
ABS-CBN News
Published Jul 16, 2020 10:42 PM PHT
|
Updated Jul 17, 2020 12:38 AM PHT

MAYNILA - Itinanggi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong Huwebes na nagpauwi sila ng isang OFW na positibo sa COVID-19 sa Pangasinan.

Ayon kay OWWA administrator Hans Cacdac, naaayon sa health protocols ang kanilang pagpapauwi sa isang OFW sa Calasiao, Pangasinan, na napabalitang pinauwi sa naturang probinsya kahit pa positibo sa COVID-19.

Giniit ni Cacdac na pinayagang umuwi ang OFW batay sa DOH Memorandum No. 0258 na nagpapahintulot sa pagpapauwi ng COVID positive patient kapag asymptomatic siya nang 14 na araw mula nang ma-swab test.

Dito na maglalabas ng certificate ang DOH-Bureau of Quarantine na recovered na ang pasyente, na ayon kay Cacdac, siyang nangyari sa kaso ng pinauwing OFW sa Pangasinan.

ADVERTISEMENT
Samantala, mula May 15, nasa 90,000 OFWs na ang napauwi ng OWWA sa kani-kanilang probinsya mula.

Halos 3,000 OFWs na kararating sa bansa ang nasa mga pasilidad at naghihintay ng test results na inasaahang lalabas sa loob ng 3 hanggang 4 na araw.

Sa Linggo, aalalay ang OWWA sa pag-uwi ng nasa 50 hanggang 60 na mga labi ng mga namatay na OFW mula Saudi Arabia, na second batch na mula noong July 10.