HULI SA CCTV: Naka-motorsiklong kawatan nanghablot ng bag | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
HULI SA CCTV: Naka-motorsiklong kawatan nanghablot ng bag

ABS-CBN News
Published Jul 16, 2018 10:31 AM PHT
|
Updated Jul 16, 2018 08:54 PM PHT

MANILA - Nakuhanan ng CCTV camera ang pagbiktima ng mga naka-motorsiklong magnanakaw sa isang babae sa Sampaloc, Maynila.

Naglalakad ang biktima at 3 pang kabataan sa P. Noval Street nang dumaan sa tabi nila ang isang tricycle nitong Sabado.

Maya-maya pa, hinablot ng backrider ng tricycle ang bag at cellphone ng biktima. Pero dahil mahigpit ang pagkakahawak ng babae sa kaniyang gamit, nawala sa balanse at nahulog ang kawatan.

Hinabol siya ng mga kabataan at saka binugbog.

ADVERTISEMENT
Dalawang beses na sinubukan ng tricycle driver na sagasaan ang grupo, pero tumakas din nang muling makasakay ang kaniyang iika-ikang kasabwat.

Sapul sa CCTV ang pagtangay sa cellphone at bag ng isang grupo ng estudyante sa P. Noval Street, Sampaloc, Maynila. Sa tricycle nakasakay ang riding in tandem, na madalas umanong nambibiktima ng mga estudyante. pic.twitter.com/AurmiWzwgZ | @jervismanahan
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) July 15, 2018

Hindi nagsumbong sa mga pulis at barangay ang mga biktima kaya hindi tukoy ang kanilang pagkakakilanlan.

Ayon sa barangay, ilang beses nang nakuhanan ng CCTV ang pag-atake ng mga naka-motorsiklong snatcher sa lugar.

Para maiwasan ang mga ganitong insidente, inilunsad ng pulisya ang proyektong "Eye on The Street", kung saan lalagyan ng sticker ang mga tricycle na lehitimong namamasada at kukuhanan ng personal data sheet ang mga driver nito.

Isusunod ng proyekto ang pagpapalakas sa ugnayan ng pulisya at mga vendor sa lugar na kalapit ng ilang malalaking unibersidad.

Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT