Bangka pinagbabaril sa Camarines Sur; 3 sugatan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangka pinagbabaril sa Camarines Sur; 3 sugatan

Bangka pinagbabaril sa Camarines Sur; 3 sugatan

ABS-CBN News

Clipboard

Tinambac Municipal Police Station
Nabasag ang salamin ng bangkang MB Marylyn 1 matapos itong pagbabarilin ng armadong grupo sa Tinambac, Camarines Sur. Courtesy: Tinambac Municipal Police Station

MANILA — Sugatan ang 3 mangingisda matapos pagbabarilin ng armadong grupo ang sinasakyan nilang trawl boat sa San Miguel Bay sa Tinambac, Camarines Sur nitong Martes.

Nagtamo ng sugat sa hita, balakang, at balikat ang mga biktima habang ligtas ang kapitan, co-boat captain at isa pang crew.

Nabasag ng mga tumagos na bala ang salamin ng bangka nilang MB Marylyn 1.

Ayon sa hepe ng Tinambac Police, maliban sa nakasakay sa motorboat, walang ibang maibigay na pahayag tungkol sa namaril ang mga biktima dahil napakadilim sa laot ng oras na iyon.

ADVERTISEMENT

“Sa narrative nila, tumutulong lang sila doon sa isang fishing boat na nawawala yung fish net…sa motive at person of interest kung anong grupo iyan, wala pa talaga,” ani P/Maj. Dino Bien Regaspi sa wikang Bikol.

Isinugod sa Bicol Medical Center ang mga biktima pagkadaong ng trawl boat sa pantalan ng Sabang, Calabanga. Nakalabas na ng ospital ang 2 sa kanila ngayong Biyernes.

Ayon sa hepe, bukod sa pag-aari ng negosyante sa Calabanga ang trawl boat na umano'y kinokumpitensiya ang mga malilit na mangngisda, nasa 2 nautical miles lang ang layo nito sa baybayin na aniya'y paglabag sa batas sa pangingisda.

“Although registered iyan kung saan pa man, sa BFAR o sa munisipyo ng Calabanga, pumapasok pa din kayo sa ipinagbabawal na distansiya ng batas. Dapat huwag kayo mangingisda sa 15 kilometers from the shorelines (ng ibang bayan),” paliwanag ni Regaspi sa kapitan ng trawl boat.

Aminado ang opisyal na hindi sapat ang kanilang mga kagamitan upang maprotektahan ang kanilang bayan sa tila mala-pirata na gawain ng ilang grupo at iligal na nangingisda,

Umaasa silang matatapos na ang ipinagawang bangka ng kanilang lokal na pamahalaan, upang magamit nila ito sa pagpapatrolya kasama ang mga kawani ng Bantay-Dagat.

—Ulat ni Jonathan Magistrado

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.