Binata sa Camarines Sur, sugatan matapos tagain sa ulo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Binata sa Camarines Sur, sugatan matapos tagain sa ulo

ABS-CBN News
Published Jul 14, 2022 07:25 PM PHT

MANILA — Sugatan ang binata matapos na tagain sa ulo ng kabarangay niya sa Bato, Camarines Sur nitong Martes ng gabi.

Una umanong nanggulo ang binata sa isang sari-sari store sa Bgy. Masoli ng nasabing bayan habang nakikinood ng telebisyon ang 55-anyos na suspek na sumaway dito.

Nagalit umano ang biktima at kinagat sa kaliwang braso ang suspek kaya gumanti ito at tinaga ang binata sa ulo.

Ayon kay PSSG Marinet Pili, nakauwi pa ng bahay ang biktima at naikwento sa magulang ang nangyari bago nawalan ng malay.

ADVERTISEMENT
Isinugod sa Sta. Maria Josefa Hospital sa Iriga City ang biktima.

Nasa maayos na kalagayan na ito, pero kinailangang sumailalim sa CT scan.

Hindi pa natatagpuan ang itak na ginamit, pero inihahanda na ng pulisya ang kasong physical injury laban sa suspek.

Hindi nila ito naisalang sa inquest dahil hindi agad nakapagbigay ng pahayag ang biktima.

Dati nang may di pagkakaintindihan ang biktima at suspek na patuloy na dinidinig ng Lupon ng Barangay, ayon sa pulisya. - ulat ni Jonathan Magistrado