5 patay, 2 sugatan sa banggaan sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2019 12:12 AM

COTABATO—Lima ang patay habang 2 ang sugatan, kabilang ang isang bata, matapos magbanggaan ang isang SUV at tricycle sa Barangay Kilada sa bayan ng Matalam nitong Sabado.

Dalawa sa mga namatay ay sina Amil Mamadra, drayber ng tricycle, at Pai Mamadra. Hindi pa nakikilala ang 3 iba pang nasawi.

Sugatan naman si Nasser Raker, at ang isang 9-anyos na bata na sakay ng tricycle.

Ayon sa imbestigasyon, nasa magkabilaang lane ang 2 sasakyan nang pumutok ang unahang gulong ng SUV. Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver ng SUV at sumalpok sa kasalubong na tricycle.

Sa lakas ng impact, nagkayupi-yupi ang tricycle at tumilapon ang mga sakay nito.

Nasa kustodiya ng Matalam Police ang driver ng SUV habang naghihintay ang mga awtoridad na magsampa ng kaso ang mga pamilya ng mga biktima. — Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.