Duterte sinabing 'panakot' sa oposisyon ang pahayag sa VP bid | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte sinabing 'panakot' sa oposisyon ang pahayag sa VP bid

Duterte sinabing 'panakot' sa oposisyon ang pahayag sa VP bid

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Panakot lang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oposisyon ang kaniyang naging pahayag sa pagtakbo bilang bise presidente, pahayag ng pangulo gabi ng Lunes.

Gayunman, sinabi ni Duterte sa kaniyang public address na pinag-iisipan niya pa ring totohanin ito.

"Ako naman, 'yung vice president [bid] ko, pangtakot lang sa kanila 'yan. Sabi ko let us see,” ani Duterte.

"If it is good for our country, I will do it. If it does not contribute anything to our republic, 'wag na lang. Magsasayang lang tayo ng oras pati... You contribute to the conundrum of the moment," ani Duterte.

ADVERTISEMENT

Muli naman siyang pinayuhan ni Chief Presidential Legal Adviser Salvador Panelo na sakaling tumakbo siya ay wala umanong nakasaad sa Konstitusyon na nagbabawal dito.

Ani Panelo, takot lang ang mga taga-oposisyon kaya pilit umanong nilalagyan ng isyu ang kaniyang pagkakandidato.

"Ang katotohanan Mr. President, kaya kayo sinasabihan na lalabag kayo sa Saligang Batas kapag kayo ay tumakbo, kaya kayo sinasabihan na gusto ninyo manatili sa kapangyarihan. Ang katotohanan, kapag kayo ay tumakbo eh talagang game over na. Mananalo talaga kayo. Eh siyempre masisira ang mga plano nila para makabalik sa kapangyarihan," ani Panelo.

Kinumpirma din ni Duterte na bukas ang kaniyang anak na si Sara Duterte-Carpio sa pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na halalan.

Pero tutol pa rin siya rito dahil nag-aalala siya sa sasapitin ng anak kapag nakaupo na ito sa puwesto.

"I want her spared from the vagaries of politics dito sa Pilipinas. Lalo na itong mga personalities around, in the likes of (Antonio) Trillanes (IV), si (Leila) De Lima. Walang ginawa kung hindi mag-atake ng kapwa tao nila," ani Duterte.

Aniya, mas gusto pa niyang mapunta na lang sa oposisyon ang pamahalaan para maranasan umano nila ang pagpapatakbo sa gobyerno.

"So I would rather na kung sila-sila na lang ang patakbuhin at sila’y manalo, nagdadasal ako niyan at makita nila kung papaano nila patakbuhin ang gobyerno, kung gaano kahirap," ani Duterte.

Dati nang nabanggit ni Trillanes na bukas din siya na tumakbo bilang presidente at maging standard bearer ng oposisyon kung hindi aniya tatakbo si Bise Presidente Leni Robredo.

Samantala, sinabi naman ni Hugpong ng Pagbabago spokesperson at Secretary-General Anthony Del Rosario na payo galing sa isang ama lamang ang sinabi ni Duterte. Nakay Duterte-Carpio pa rin aniya ang huling desisyon dito.

Sa isang panayam naman sinabi ni Duterte-Carpio na bagaman bukas siya sa pagtakbo ay wala pang napag-uusapan kung sino ang magiging running mate niya.

— Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.