Pulis suspek sa pagpatay sa babaeng empleyado ng Pangasinan provincial gov't | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis suspek sa pagpatay sa babaeng empleyado ng Pangasinan provincial gov't

Pulis suspek sa pagpatay sa babaeng empleyado ng Pangasinan provincial gov't

Elaine Fulgencio,

ABS-CBN News

Clipboard

SAN CARLOS CITY, Pangasinan — Timbog ang isang pulis dito nitong Lunes matapos lumabas sa imbestigasyong siya ang suspek sa pagpatay sa isang babaeng empleyado ng lalawigan.

Kinilala ang suspek na si Patrolman Frankilino Germono, 26, sa Pangasinan First Provincial Mobile Force Company na naka-duty bilang checkpoint officer sa bayan ng Mangatarem.

Hulyo 7 nang barilin sa ulo si Reynalyn Aquino, 23, at empleyado ng Pangasinan Provincial Social Welfare Office, bago pumasok sa trabaho.

Nangyari ang pamamaril sa Sitio Longos, Barangay Cacaritan sa San Carlos City.

ADVERTISEMENT

TESTIGO

Natunton ang gunman sa tulong ng mga testigo, ayon sa pulisya.

"Siya ay ating pinuntahan doon sa kaniyang post kung saan siya nagdu-duty at from there na-take in custody siya at nag-cooperate naman siya," ani Police Col. Redrico Maranan, provincial director ng Pangasinan police.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag si Germono, pero isinuko niya ang ginamit na motorsiklo, cellphone, damit, at service pistol na isasailalim sa ballistics examination.

Napag-alaman din na may relasyon ang suspek sa biktima na tinitingnang motibo sa krimen.

Sinampahan na ng kasong murder ang pulis at posibleng maharap din sa kasong administratibo at matanggal sa serbisyo.

Tumanggi munang magpahayag ang kaanak ng biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.