Pagkawala ng ABS-CBN idinadaing sa Isabela ngayong may bagyong Carina | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagkawala ng ABS-CBN idinadaing sa Isabela ngayong may bagyong Carina

Harris Julio,
ABS-CBN News
Published Jul 13, 2020 07:49 PM PHT

SANTIAGO CITY, Isabela — Nararanasan na ang pag-ulan sa hilagang Luzon nitong Lunes dulot ng bagyong Carina kaya't nakabantay na sila ngayon sa pag-apaw ng mga ilog.

Maya’t maya sinisilip ng mga residente ang ilog na katabi ng kanilang mga bahay sa Barangay Dubinan East. Umaapaw kasi ang ilog kapag may bagyo gaya nang manalasa ang bagyong Rosita noong 2018.

"Kapag tumaas ang tubig, lumilikas kami diyan sa taas, 'yung mga gamit namin pinupunta namin sa taas," ani Lanie Bucao, residente.

Nagsisilbing warning system ng mga residente ang pintura sa puno at sa pader. Kapag nasa pula na ang tubig, kailangan na silang lumikas.

ADVERTISEMENT
Nakatutulong din sa kanila ang impormasyon mula sa telebisyon.
Pero bihira na sila makapanood ngayon mula nang mawala sa free TV ang ABS-CBN na may local news program.

"Wala naman pong binabalita dito sa Isabela po, importante po dito sa atin... Sa kapitbahay lang sa cellphone niya [kami nakakakuha ng balita]," ani Merlita Diaz, residente.

"Channel 2 ang pinapanood namin eh... Wala naman kaming pang-Youtube," ani Bucao.

Umaasa naman ang pamunuan ng Magat Dam sa ulan para makapag-imbak ng tubig.

Naranasan na rin ang pag-ulan sa Ilocos Sur pero biyaya itong itinuturing ng mga magsasaka na nagsisimula nang magtanim.

Pero dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan, gumuho naman ang bahagi ng bundok sa Sitio Maswa, Tinglayan, Kalinga bandang alas-7 ng umaga.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
ABS-CBN
ABS-CBN franchise
prangkisa
TV Patro
TV Patrol TOP
Isabela
Santiago City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT