Huling drug case ni De Lima ini-raffle muli matapos mag-inhibit ang 2 judge | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Huling drug case ni De Lima ini-raffle muli matapos mag-inhibit ang 2 judge

Huling drug case ni De Lima ini-raffle muli matapos mag-inhibit ang 2 judge

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

Paglabas ni Sen. Leila De Lima mula sa Muntinlupa Regional Trial Court nitong Mayo 12, 2023. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
Paglabas ni Sen. Leila De Lima mula sa Muntinlupa Regional Trial Court nitong Mayo 12, 2023. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File


MAYNILA — Si Presiding Judge Gener M. Gito na ang lilitis ng huling drug case ni dating Senador Leila de Lima sa Muntinlupa RTC Branch 206, ayon kay Atty. Filibon Tacardon, matapos itong i-reraffle nitong Lunes.

Si Judge Gito rin ang humahawak ng kaso laban kay dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag kaugnay ng pagpatay sa umano’y middleman na si Jun Villamor at sa pagpasalang sa brodkaster na si Percy Lapid.

Ang criminal case 167 ang kinahaharap na illegal drug case ng dating senador matapos siyang akusahan ni convicted drug lord Herbert Colanggo na tumanggap ng aabot sa P70 milyon na drug money.

Umaasa ang kampo ni De Lima na makapag-schedule na ng pagdinig sa lalong madaling panahon.

ADVERTISEMENT

"Considering 'yung delay na na-cause nito, 'yung delay sa resolution ng motion for reconsideration. We hope na (magkaroon) na ng hearing as soon as possible," sabi ni Tacardon.

July 6 nang mag-inhibit si Muntinlupa City RTC Branch 204 Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara sa kaso.

Ayon kay Alcantara kailangang mapanatili ng isang hukom ang “trust and faith” ng bawat panig at sa senyales na mawala ang paniniwala “whether well-grounded or not” ay walang ibang “alternative” ang judge kundi ang tumigil sa paghawak ng kaso.

Si Alcantara din ang judge na nag-acquit kay De Lima sa isa sa drug charges nito. Ang partisipasyon ni Alcantara sa naunang kasong ito ang dinahilan ng prosecution para hingin ang kanyang self-inhibition.

July 7 nang maglabas ng pagkadismaya si De Lima sa motion to inhibit ng prosecution.

ADVERTISEMENT

Bago si Alcantara, si Branch 256 Presiding Judge Romeo Buenaventura ang humawak ng natitirang drug charges ni De Lima pero pinag-inhibit din siya ng co-accused ng dating senador dahil umano sa conflict of interest. June 15 nang mag-inhibit si Buenaventura sa kaso.

Pinunto ng co-accused ni De Lima ang ilang lumabas na balitang kapatid ng hukom si Atty. Emmanuel Buenaventura - ang abogado na nag-asiste kay Ronnie Dayan sa pag-execute ng affidavit, na kalaunan ay sinabi ni Dayan na pinilit siyang gawin ito.

Nananatiling nakakulong si De Lima sa kabila ng 2 acquittal dahil na-deny ni Judge Buenaventura ang kanyang bail petition sa huli niyang drug case nitong Hunyo.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.