6 patay, 2 sugatan sa gumuhong pader sa Tagaytay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
6 patay, 2 sugatan sa gumuhong pader sa Tagaytay

ABS-CBN News
Published Jul 12, 2022 07:37 PM PHT

Hindi bababa sa 6 na construction worker ang namatay habang 2 ang sugatan matapos matabunan ng gumuhong pader ang tinutuluyan nilang barracks sa Tagaytay City, Cavite.

Pasado alas-6 ng gabi noong Lunes nang gumuho ang mahaba at mataas na pader ng isang farm at diretsong bumagsak sa tinutuluyan ng mga construction worker.

Naunang masagip noong Lunes ang 3 sa mga manggagawa pero dead on arrival ang isa sa kanila sa ospital.

Bago gumuho ang pader, malakas ang buhos ng ulan, kaya posibleng ito umano ang dahilan ng paglambot ng lupa.
Bago gumuho ang pader, malakas ang buhos ng ulan, kaya posibleng ito umano ang dahilan ng paglambot ng lupa.
ADVERTISEMENT
Tulong ang hiling ng pamilya ng 6 na nasawi, na mga trabahador ng 3-13 Construction at gumagawa ng bungalow na bahay.

"Sana naman matulungan nila 'yong kapatid ko. Siyempre, may naiwan pa 'yang obligasyon," sabi ni Ruth Mae Endaya, kapatid ng 18 anyos na nasawi sa insidente.

"Ang sakit. Kung tutuusin ang asawa mo nagsisikap magtrabaho para sana makaahon tapos 'yon lang pala mangyari sa kaniya," sabi ni Analiza Alabiar, na namatayan ng asawa.

Ayon kay Tagaytay City Administrator Greg Monreal, iniimbestigahan na nila ang pananagutan ng may-ari ng farm.

Wala pang binibigay na pahayag ang pamunuan ng farm.

Nakatakda naman iuwi sa Samar at Batangas ang labi ng ilan sa mga nasawi.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Tagaytay City
Cavite
gumuhong pader
construction workers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT