Pinuno ng mga barangay chairperson, patay sa pamamaril sa Batangas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinuno ng mga barangay chairperson, patay sa pamamaril sa Batangas

Pinuno ng mga barangay chairperson, patay sa pamamaril sa Batangas

Andrew Bernardo,

ABS-CBN News

Clipboard

IBAAN, Batangas - Patay ang Association of Barangay Captains (ABC) president ng bayang ito, matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Cenon Portugal na barangay chairman din ng Panghayaan.

Ayon sa pulisya, nangyari ang pamamaril habang sakay ng kaniyang SUV ang biktima sa J. Pastor St., Barangay Poblacion. Agad nakatakas ang salarin sakay ng motorsiklo.

Hinala ng misis ni Portugal, posibleng may kinalaman umano sa trabaho ang pamamaril.

ADVERTISEMENT

" 'Pag kaupo ni mayor, kinausap si Cenon. Sabi kinakamusta ang term sharing. Sabi ni Cenon, malayo pa po 'yan 'wag muna nating pag-usapan," ani Elsa Portugal.

Itinanggi naman ni Ibaan Mayor Joy Salvame na may napag-usapan sila ni Portugal tungkol sa term sharing. Alam din umano niya na isa ito sa magiging anggulo sa pagpatay sa barangay chairman.

"I haven’t talk to him about it. It is a precedent na parang sharing of term. I know it will be one of the angles that they might be looking, pero sabi ko nga they can investigate all they want. Wala akong ano doon," aniya.

"Siyempre politically-speaking, sabi ko nga hindi naman para magpaka-ipokrito pa, hindi kami magkapartido but I think napakababaw naman kung 'yun lang ang rason, di ba?"

Nababahala rin ang ilang residente sa mga insidente ng pamamaril dahil noong Pebrero 27, binaril din ang barangay chairman ng Lapu-Lapu at 2 kasamahan nito sa isang canteen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente, kabilang dito ang paghahanap ng CCTV footage.

Nananawagan din ng hustisya ang kasamahan ng pinaslang na ABC president.

"Sa tagal na naming magkasama, wala akong masasabi sa aming barangay captain. Napakagaling na barangay captain niya. Hindi namin lubos na maisip bakit nagawa 'yan sa kaniyang pangyayari. Di namin matanggap . . . Sana naman ay mabigyan siya ng katarungan," ani Panghayaan councilor Celso Maranan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.