200 ibon nagkakahalaga ng P1.4M nasabat sa Palawan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
200 ibon nagkakahalaga ng P1.4M nasabat sa Palawan

Lynette dela Cruz,
ABS-CBN News
Published Jul 12, 2018 02:53 PM PHT
|
Updated Jul 12, 2018 06:12 PM PHT

QUEZON, Palawan -- Nasa 200 endangered na ibon na nagkakahalaga ng P1.4 milyon ang nailigtas ng mga awtoridad mula sa isang lalaki na ilegal umanong nag-aalaga sa mga ito, Miyerkoles.

Nakatakas ang suspek na kinilala bilang si Joseph Quintayo, sabi ng mga awtoridad.

Iniwan ni Quintayo sa kanilang bahay sa Barangay Quinlogan ang 5-taong gulang nitong anak na siyang nagturo sa mga operatiba kung nasaan itinatago ang mga ibon, sabi ng mga opisyal.

Nakuha mula sa taguan ang 76 na talking mynah, 125 blue-naped parrot at isang hornbill.

ADVERTISEMENT
Aabot sa P1.4 milyon ang halaga ng 202 ibon kung ibebenta ito sa presyong P7,000 bawat isa, ayon kay Jovic Fabello, tagapagsalita ng Palawan Council for Sustainable Development.

Base sa insiyal na imbestigasyon, caretaker lamang umano ang suspek at patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad ang iba pang kasabwat.

"Matagal na itong nag-o-operate dito. Hindi lang namin ma-pin point talaga o hindi lang kami makakuha pa ng malakas na ebidensya doon sa talagang mga financier o nagpapakuha ng mga ibon," sabi ni Fabello.

Inendorso na ang mga ibon sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center habang ang 5-anyos na bata naman ay nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office ng bayan.