PatrolPH

Nueva Ecija drug bust: Suspek patay, P1.1 milyong 'shabu' nasamsam

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2021 12:13 PM

Nueva Ecija drug bust: Suspek patay, P1.1 milyong 'shabu' nasamsam 1
Ebidensiyang nakuha sa isang buy-bust operation sa General Tinio, Nueva Ecija, kung saan napatay sa engkuwentro ang suspek. Retrato mula sa Central Luzon police

Patay ang isang lalaki matapos umanong makipagbarilan sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa General Tinio, Nueva Ecija, kung saan nakumpiska ang P1.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu, sabi ngayong Linggo ng pulisya.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, natunugan ng suspek na pulis ang kaniyang katransaksiyon kaya agad siyang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

Gumanti umano ng putok ang mga operatiba, na naging dahilan ng pagkamatay ng suspek.

Nakatakas naman ang kasabwat ng nasawing suspek sakay ng motorsiklo.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa 160 gramo ng hinihinalang shabu.

— Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.