PatrolPH

8 bahay natupok sa sunog sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2021 09:40 PM

ZAMBOANGA CITY - Walong bahay ang natupok sa sunog sa Atti Clan, Barangay Arena Blanco Linggo ng umaga. 

Rumesponde ang mga bombero sa nangyaring sunog alas 9:05 ng umaga. Pero mabilis kumalat ang apoy lalo na't yari lamang sa light materials ang mga bahay na natupok sa sunog. 

Nagdeklara ng fire out ang mga bumbero alas 9:50 ng umaga. 

Sa inisyal na imbestigasyon, faulty wiring ang sanhi ng sunog. 

Aabot sa P400,000 ang halaga ng pinsala sa nangyaring sunog.

Wala namang nasugatan o namatay sa naturang sunog.

- ulat ni Liezel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.